BUHAY BUKID

Maligayang pagdating sa aking blog!

Simpleng buhay sa bukid, Ang sarap lumanghap ng sariwang hangin, tuwing katapusan ng linggo ay umaakyat kami ng pamilya ko sa bukid, May munting Bahay Kubo

kami at mga alagang hayop katulad ng baboy,manok,pabo,kalapati at aso na nagbabantay sa kanila, Ang sarap pagmasdan ang mga alagang hayop ni Papa tuwing pinapakain namin ay bigla silang lahat magsilabasan sa kanilang mga lungga at maghahabulan at nag-aagawan sa pagkain. Ang saya nilang tignan palipat lipat pa ikot-ikot sa bakuran tila mga batang paslit na naglalaro sa palaruan.

May mga tanim kami na halaman at prutas mga makukulay at sari-saring bulaklak ni Nanay, May ornamental plants, herbal plants at may mga orchids din,
Kay gandang pagmasdan ang mga ito, Mga huni ng ibon at insekto ang maririnig parang musika sa aking pandinig, At may nagtataasang puno ng niyog kami na kinukuhaan ng tuba na ginagawa naming suka. Ang katahimikan na bumabalot sa paligid ay kakaiba. Ang sarap at simple lang ang buhay sa bukid nakaka-relax sa katawan at isipan malayo pa sa polusyon. Kay ganda ng kalikasan napakamangha sa napakagandang ginawa ng ating Poong may Kapal, Salamat ng marami sa biyayang handog. 

Maraming Salamat enjoy sa pagbasa!

Comments